![]() |
|
ANG SOAP OPERA SA TELEBISYONG PILIPINO Nagsimula ang Soap Opera sa Pilipinas bilang Radio Drama na napakikinggan sa DZRH, isang tanyag na istasyon ng radyo na siyang unang nagsimulang magpahayag ng drama sa radyo. Ngunit ang Soap Opera bilang Kulturang Popyular ay lubhang lumago lamang noong lumaganap ang paggamit ng telebisyon sa Pilipinas. Dahil dito, ang telebisyon ay masasabing siyang nagpalaganap ng Soap Opera bilang Kulturang Popyular (Pop Culture). Maraming istasyon ang nagpapalabas ng iba't ibang Soap Opera sa Pilipinas, ngunit inaangkin ng ABS-CBN ang titolo ng pagiging pinakatanyag na istasyon, mula sa kanilang iba't ibang TV show ratings, kung saan nabibilang ang rating para sa Soap Opera. ![]() Mga eksena na nagmula sa popular na Soap Opera, Mula Sa Puso ![]() ABS-CBN
Kuimikiling sa masa ang mga programang inihahandog ng ABS-CBN, kung saan 85% ay "locally produced". Sinasabi nilang sila ay nangunguna sa TV show ratings sa buong Pilipinas. Isa sa mga pangarap ni Ginoong Eugenio Lopez, ang chairman ng ABS-CBN, ang gawing mapagkaisa ang buong bansa, mula Luzon hanggang Mindanao, sa pamamagitan ng teknolohiya ng satellite TV. Ang ABS-CBN, bukod sa pagiging tanyag na istasyon sa Pilipinas, ay apat na beses rin binansagan ng Asia Business Magazine na Asia's Most Admired Media Company, dahil sa global na sakop ng kanilang mga palabas at sa 50% bahagi ng mga manonood, kung ikukumpara sa iba't ibang karibal na istasyon. Hindi lamang sa pampublikong serbisyo nangunguna ang ABS-CBN, kung hindi't maging sa iba't ibang salik ng telekomunikasyon, tulad ng Braodcasting, Entertainment, at Commercial Advertising, kung saan ang kanilang pangunahing layunin ay ang makapagbigay serbisyo sa Pilipino mula sa iba't ibang bahagi ng mundo. Ito ang mga pangunahing dahilan, bukod sa pagiging bukas nito sa publiko, kung bakit napili ng grupo na isentro ang proyekto ukol sa Soap Opera bilang isang halimbawa Kulturang Popyular, sa mga Soap Opera na ipinalalabas sa ABS-CBN. |