...to Be Continued...  
Table Of Contents

Ang Soap Opera Bilang Kulturang Popular

Saan Nagmula Ang Soap Opera?

Iba't Ibang Klaseng Palabas

Ang Soap Opera Sa Telebisyong Filipino

Tele-Novela Ng ABS-CBN

Mga Sangkap Ng Soap Opera

Lipunan Ng Soap Opera

Soap Opera Para Sa Mga Kababaihan

Soap Opera Bilang Behikulo Ng Kapitalista

Kinabukasan Ng Soap Opera

Huling Pahina

Sanggunian

...

ANU-ANO ANG MGA SANGKAP NA BUMUBUO SA SOAP OPERA?



v Balangkas

Masalimuot ang kwento, maraming isyu at kahulugan ang pinapahayag sa palabas



Karaniwang paulit-ulit ang nangyayari kahit na hindi mahalaga ang puntong ipinapakita



Walang agad na kasagutang ibinibigay ang Soap Opera sa mga ipinapakitang katanungan; ipinapagliban ang kasagutan hanggang sa dulo na ng programa o sa wakas na ng Soap Opera



Nakapagbibigay daan sa pagkakaroon ng sariling interpretasyon ang mga manonood ang ganitong paraan, kung saan ay hindi kumikiling ang palabas sa kahit anong isyu Dahil din dito ay nabibigyang pagkakataon ang mga manonood na maging bahagi sa palabas





v Tema

Babaeng maitim ang budhi na parating ipinapakitang natatalo



Malaking pagsakripisyo ng magulang para sa anak



Pagnanasang bumalik ang nasawing pag-ibig



Pera ang nakatagong motibo sa pagkasal



Kasawian ng babaeng hindi pinakasalan



Paglilinlang kung sino ang tunay na ama o katauhan ng bata



Trabaho tunggali ng pagiging may-bahay o ina.



Serbesa bilang kahinaan ng babaeng lulong sa kahinaan



Mga problemang panlipunan



Karaniwang tungkol sa mga babae; Babae ang karaniwang pangunahing tauhan o

protagonist









v Tauhan

Masalimuot ang mga tauhan sa Soap Opera; karaniwang malaki at magkakakilala ang mga tauhan sa Soap Opera. Minsan pa nga ay magkakamag-anak ang mga ito



Nagtataglay ng katangian ang mga tauhan kung saan maaari silang makabuo ng walang hanggang bilang ng ugnayan sa iba pang tauhan at balangkas ng kuwento



Walang dominanteng tauhan kung saan ang buong istorya ay umiikot sa kanya lamang; lahat ng mga tauhan ay mahalaga at may ginagampanang papel





Karaniwang may ugnayan o kamag-anakang relasyon sa"middle class" o "upper middle class" ang mga pangunahing tauhan; walang ipinapakitang tauhan na nagtratrabaho at wala ring tauhan na magtataglay ng trabahong "non-verbal" at "non-social"



Mayroong tatlong uri ng relasyon na karaniwang ipinapakita sa mga Soap Opera:

Magkakamag-anak

i Magulang

ii Magkapatid

iii Magpinsan

May patungkol sa pag-iibigan

iv Mag-asawa

v Bawal na pag-ibig (pagkakaroon ng querida o kaya't ng kabit)

vi Bakla o Tomboy (Ngunit ang mga ganitong relasyon ay paminsan-

minsan lamang ipinapakita)

Ugnayan ng mga uri sa lipunan

vii Amo at tagapaglingkod

viii Magkaibigan

ix Magkapit-bahay

x Magkaaway



Mayroong mga tauhang mayaman at mahirap na magkaka-ugnay



v Istraktura

Maykakaibang anyong pasalaysay; isang alternatibo sa nakagawiang dominanteng anyo na pasalaysay (nobela)



Tumatagal mula kalahating oras hanggang isang oras



Mula Lunes hanggang Biyernes ang karaniwang Soap Opera ; habang ang iba naman ay tuwing Linggo lamang



Maraming pagpuputol na ginagawa sa palabas upang magpakita ng mga "commercials" at "advertisements"



Karaniwang nagtatapos ang bawat palabas na may iniiwang tanong para sa mga manonood. Ang paraang ito ay ginagamit upang siguraduhin na aabangan ng tao ang susunod na palabas.



Makapapanood na ng Soap Opera ng alas-diyes pa lamang ng umaga hanggang alas-siyete y medya ng gabi



Karaniwang may tatlong yugto ang mga Soap Opera:

a Ipinapakilala ang mga tauhan at ang mga balangkas ng Soap Opera

b Unti-unti nang nakikita ang tema at ang mga pangunahing tauhan ay binibigyan importansya; ang mga balangkas ay nagiging malalim pa at komplikado

c Nagkakaroon na ng kasagutan ang mga balangkas at tanong na ipinahayag sa palabas



May pagkakataon ang manonood na magkaroon ng partisipasyon; ipinapakita sa kuwento ang mga sitwasyon kung saan lumalago ang mga tao at nagbabago. May mga paligsahan o 'pa-contest' ang mga kompanya para sa mga taga-subaybay kung saan maari silang manalo ng malaking halaga ng salapi kapag masagot nila ang tanong tungkol sa naganap sa bawa't kabanata.



May katangiang pagkawalanghanggan; hindi natatpos ang kuwento







v Tagpuan

1 Karaniwang ginaganap sa tahanan ng isang mayamang pamilya na mayroong kamag-anak na hindi kapantay ang katayuan sa buhay



2 Matatagpuan din ang mga tauhan sa maliliit na bayan; malayo sa mga malalaking siyudad