![]() |
|
ANG LIPUNAN NG SOAP OPERA Ang mga kuwento na ginagamit sa mga Soap Opera ay tulad ng pangkasalukuyang kaganapan sa lipunan, upang makaakit ng mga masang manonood. Ito ay ginagawa ng mga tagalikha ng naturang palabas upang pumatok ang serye sa masa. Ang Soap Opera ay maaring ituring bilang paraan upang makapagmuni-muni ang manonood ukol sa: 1.Pambansang pagkakakilanlan 2. Awtentisidad ng Kultura (Cultural Authenticity) 3.Relasyon ng mga palabas sa tunay na buhay 4.Puwang na humihiwalay sa Soap Opera bilang representasyon ng realidad at ng tunay na buhay o realidad Pinaguusapan ang mga Soap Opera ng mga tumatangkilik na manonood pagkatapos panoorin. Ito ang dahilan kung bakit tuwing Biyernes ay nilalagyan ng "teaser" ang bawa't katapusan ng programa upang tuluyang subaybayan ng manonood ang programa at upang bigyan ng panahon ang mga manonood upang mapag-usapan ang mga nangyari. Ang Soap Opera ay isang paghahangad na maisaayos ang lipunan sa mga aspektong: 1.Ekonomikal 2.Panlipunan 3.Kultural
Naging mahalagang instrumento ng modernisasyon sa Pilipinas ang paglaganap ng paggamit ng telebisyon dahil malaki ang impluwensiya nito sa pag-iisip ng tao.Ang Soap Opera ay isang uri ng pakikihamok sa modernisasyon. Dito ipinapakita ang mga pagbabago ng mga uso sa lipunan. Ito ay makabagong uri ng pagsasalaysay (storytelling) at pag-unawa ng karaniwang tao sa mundong ginagalawan. Ang mabagal at paulit-ulit na paggalaw ng mga pangyayari sa isang Soap Opera ay salamin ng mabagal na lipunan sa loob ng serye, at ng lipunan ng mga tagapagsubaybay sa tunay na buhay. Ang putol putol na mga pangyayari ang nag-aakit sa mga tagapanood na malaman ang susunod na kabanata ng kwento. Sa bawat serye ay nararamdaman ng tagapagsubaybay ang mabilis na paggalaw ng kuwento, ngunit sa katotohanan ay paikot-ikot lamang ito. Ito ay naihahambing nila sa kanilang buhay, dahil madalas maramdaman ng tao na paulit-ulit ang karanasang ipinahihiwatig sa palabas at matagal bago malalampasan ang kanilang paghihirap. KATANGIAN NG ANG SOAP OPERA ISANG PAGSASANIB NG MGA ISTILO ng putul-putol na istilong naratibo, at ng istruktura na may mahabang pagpapalabas (Long Duration). ISANG URI NG KULTURANG PANGMASA Ang mga tumatangkilik ng Soap Opera ay kadalasang ikinukumpara ang iba't ibang salik ng realidad ng lipunan sa mundo ng Serye sa tunay nilang buhay. Isang mabisang behikulong ginagamit sa panghikayat ..Sa nakararami at sa pagpapalaganap ng mga paniniwala at mga opinyon. Ito rin ay may kakayahang bumuo ng politikal na opinyon at mag-udyok ng aksyong panlipunan. Isang komplikadong paraan kung saan nagsasanib ang tradisyonal at makabagong teknolohiya upang makaakit ng mga tagapagtangkilik. Ang Soap Opera ay produktong ginawa para sa pagtatangkilik ng masa Dapat pag-aralan ang soap opera upang: a) maunawaan ang dialektikong personal na pagkakakilanlang at hirarkiya sa lipunan b) upang malaman ang relasyon ng produkto, kilos, at ng konteksto nito Ang Soap Opera ay isa ring katagang may kalayaan. Ito ang dahilan kung bakit namumulat ang lipunan sa partikular na pag-uuri ng kasarian sa lipunan (Gender Consciousness). Ang Soap Opera ay maari ring maging isang katagang walang kalayaan. Ito ang produktong nabuo mula sa reaksyon ng mga tao sa politikal at ekonomikal na kondisyon sa isang panahon sa lipunan. Maaari ring maging isang katagang namamagitan ang Soap Opera Dahil ito ay nagiging instrumento ng mga elitista o ng mga namumuno upang panatiliing sunud-sunuran sa kanila ang masa. Ang panlipunang kalagayan ng Soap Opera bilang Kulturang Popyular ay palaging nasa gitna ng konteksto at kahulugan ng kultural na produkto para sa mga tagapanood. Nakikita ng elitistang lipunan ang kulturang popyular bilang isang katagang kailangang maalis dahil lumalabag ito sa mga tradisyon at kultura sa lipunan, dinudungisan ang mga pag-iisip ng kabataan, at nagtuturo ng mali-maling moralidad.
CONSENSUS PERSPECTIVE Nakikita ang Soap Opera sa pamamagitan ng: Abilidad nitong madagdagan ang katatagan at kaisahan ng isang sistemang sosyal. Nakapagbibigay ito ng puwang upang pansamantalang makalimutan ng mga manggagawa ang kanilang pagod dala ng kanilang responsibilidad sa buhay. Ayon pa sa Master Showman na si German Moreno, "Marami na tayong mga problema. Kung hindi tayo makapagbigay ng entertainment sa ating buhay ay lalong lalala ang problema natin." Abilidad nitong magdala ng mga moralidad, mga imahen, at mg tradisyon na nagpapatotoo sa mga nabubuhay na sistema na pag-iisip, mga paggawa at pagkilos upang makalikha ng mga bagong moralidad, imahen at tradisyon na nakabatay sa isang partikular na sosyal na paghahanay. Ang isang bahagi ng paghugot ng interes ng mga programa sa telebisyon ang mga leksyong matututunan tungkol sa moralidad ng tao. Ang pagtuturong ito ay masnakatatalab kaysa sa simbahan at mga pari dahil naipapakita sila sa isang maimpluwensiyang paraan tulad ng telebisyon. Ang mga artista ay nagiging huwaran na nakapagbibigay sa kanilang mga tagapagsunod ng daan sa isang karaniwang hindi maabot na mundo.
INTERPRETATIVE THEORY Nakabatay ito sa mga paraan kung saan nabibigyang kahulugan at nasusuri ng mga tao ang mga sitwasyong kinasasangkutan nila sa pangaraw-araw na pamumuhay. Ang pinakamalaking tungkulin nito ay ang pag-aral at pag-unawa sa relasyon ng kabatiran ng analitiko tungkol sa teksto at ang persepsyon ng tao sa mundo. Ang pangangailangan na maging mulat sa limitasyon ng lahat ng perspektibo. Ang pag-unawa ay nakasalalay sa tumatanggap na tao kahit na may nakatayong batayan o sukatan sa mga ito. Masasabi na rin na ito ay ang "ideal state" dahil nabibigyan ng kanya-kanyang timbang ang opinyon ng bawat manonood. |