![]() |
|
ANG SOAP OPERA PARA SA MGA KABABAIHAN Ang kahalagahan ng mga babae ay karaniwang hinahatulan sa isang lalakeng-dominanteng sistema. Dahil dito, ginawa ng maka-lalaking pag-iisip ang Soap Opera upang sagutin ang mga pangangailangan ng mga babae na dala ng kanilang kahinaan, sa pananaw ng mga maka-lalaking pag-iisip. Tatlong klase ng "dumi" na inihahalintulad ng Soap Opera sa mga kababaihan STEREOTYPES NG MGA BABAE BILANG KONTRABIDA, INAALIPUSTA at KAAWA-AWA Ang mga babae ang karaniwang kontrabida na ipinapakita sa mga serye; Nababansagan ang mga babae bilang masama. Ang mga babae rin ang mga inaapi at inaalipusta sa mga pinalalabas. Lahing nagkakaroon ng mga "stereotypes" pagdating sa mga tauhang babae. IMPLIKASYON NG MGA PATALASTAS NA ANG KABABAIHAN ANG SUMASALO SA MGA DUMI NG BAHAY AT NG LIPUNAN Ang mga Soap Opera ay karaniwang ipinalalabas para sa mga babae. Ginagamit ng mga kapitalistang ang Soap Opera sa kanilang nais na mabenta ang kanilang mga produkto upang akitin ang mga manonood na karaniwan ay mga kababaihan, na bumili at tangkilikin ang kanilang mga produkto. Pinagkakakitaan mga kompanya ang mga Soap Opera sa kanilang layuning makabenta sa mga kababaihan. Makikita sa mga Soap Opera, pati narin sa mga patalastas na nakapaloob sa mga palabas, ang kababaan ng pagtingin sa mga babae. Ipinapakita rito na mga gawaing pambahay lamang ang kaya nilang gawin. Sila ay binebentahan ng mga sabon at ano pang panlinis dahil sa tingin nila ay madudumi ang mga babae. Bukod pa dito, binebentahan ang mga babae dahil sa sila ang karaniwang inaatasan ng responsibilidad na maglinis ng kubeta, maglaba, magpunas at kung anu-ano pang gawain na madumi at may kinalaman sa bahay. ANG TSISMIS NA IPINARARATANG SA MGA KABABAIHAN, MAGING SA MGA BABAENG TAUHAN NG PALABAS O KAYA'T SA MGA KABABAIHANG TUMATANGKILIK NG NATURANG PALABAS Pormalistikong Pananaw na mayroong mga puwang ang bawat palabas at dahil dito ay nabibigyan ng pagkakataon ang mga manonood upang mag-usap-usap sa kanilang mga sarili at talakayin ang mga posibleng kahulugan ng napanood nila. Pagkakataon din ito upang pagmuni-munihan ang mga maaaring mangyari nsa susunod na kabanata.. . Ngunit para sa mga ibang tao, binibigyan nila ng pangit na kahulugan ang ganitong hindi sinasadyang pagkakataon. Iniisip nila na ang mga ganitong puwang ay ginagamit ng mga babae upang makipag-tsismisan lamang. |