...to Be Continued...  
Table Of Contents

Ang Soap Opera Bilang Kulturang Popular

Saan Nagmula Ang Soap Opera?

Iba't Ibang Klaseng Palabas

Ang Soap Opera Sa Telebisyong Filipino

Tele-Novela Ng ABS-CBN

Mga Sangkap Ng Soap Opera

Lipunan Ng Soap Opera

Soap Opera Para Sa Mga Kababaihan

Soap Opera Bilang Behikulo Ng Kapitalista

Kinabukasan Ng Soap Opera

Huling Pahina

Sanggunian

...

ANG KINABUKASAN NG SOAP OPERA





Ang pagpapalabas ng mga serye sa telebisyon ay hindi lamang sa Pilipinas naging uso. Ang paglaganap ng ganitong mga palabas ay isang global na penomenon. Dahil sa pag-unlad ng teknolohiya gaya ng "cable TV" at pagkakaroon ng mga "satellite", lumago at dumami rin ang mga tagapanood na kailangan nilang intindihin. Hindi na magkakatulad ang mga pagkiling at iba-iba na ang mga paksa na gusto ng manonood kaya't kinakailangan ng mga panibagong stratehiya o taktiko upang manatiling maakit ang mga tagapagpanood. Dahil dito, naapektuhan ang mga Soap Opera na pinapalabas sa iba't ibang istasyong komersyal.

Sa kasalukuyang panahon, nagkakaroon na rin ng pagkakataong makapagtrabaho ang mga babae. Ang babae na siyang pangunahing tumatangkilik ng mga Soap Opera ay unti-unting nagkakaroon ng iba't ibang pampalipas oras kaya't maaring sabihin na naapektuhan ang pagkonsumo sa Soap Opera bilang isang maka-kultural at maka-kapitalistang produkto. Kung noon ay maraming mga nanonood sa kanilang mga palabas, ngayon ay nabawasan na dahil parami na ng parami ang mga babaeng nagtratrabaho. Dahil wala ng mga "advertisers" na nagbibigay ng pondo para sa mga ganitong palabas, pinaiikot na lamang ang mga kuwento at tema ng serye. Paulit-ulit na lamang ito ginagamit hanggang sa kinakailangan ng bawasan ang pagpapalabas ng mga Soap Opera lalo na tuwing umaga at hapon dahilan sa kaunti na lamang ang mga nanonood.

Namulat ang mga producers na hindi na kumikita ang ganitong paraan kaya't nilipat nila ang kanilang atensyon sa mga "talk shows" at "variety shows". Dito ay hindi nila kinakailangan maglabas ng malaking pera, dahil sa kakaunting kagamitan lamang ang kinakailangan sa paggawa ng SET o tagpuan ng gayong mga palabas, kung ikukumpara sa tagpuan ng Soap Opera. Ang dating paraan, na ginamit ng Procter and Gamble, kung saan ay bumili sila ng mga serye upang mapakita ang mga produkto lamang nila tuwing "commercial breaks", ay hindi na epektibo. Mas naging praktikal ang paggamit ng mga "talk-shows" bilang paraan upang ipakilala ang kanilang mga produkto. Sa panahon ngayon ay makikita na natin ang ganito. Halimbawa na lamang ang "talk show" na Kris ay may pinakamalaking AUDIENCE SHARE ayon sa mga mananaliksik ng ABS-CBN.