...to Be Continued...  
Table Of Contents

Ang Soap Opera Bilang Kulturang Popular

Saan Nagmula Ang Soap Opera?

Iba't Ibang Klaseng Palabas

Ang Soap Opera Sa Telebisyong Filipino

Tele-Novela Ng ABS-CBN

Mga Sangkap Ng Soap Opera

Lipunan Ng Soap Opera

Soap Opera Para Sa Mga Kababaihan

Soap Opera Bilang Behikulo Ng Kapitalista

Kinabukasan Ng Soap Opera

Huling Pahina

Sanggunian

...

ANG SOAP OPERA BILANG BEHIKULO NG KAPITALISTA



"Popular culture primarily serves the interest of the relatively small political-economic power elite that sits at the top of the social pyramid" -Karl Marx



Ang Soap Opera ay ang pinakamatagumpay at pinakaepektibong behikulo ng mga Advertisers sa kanilang pagpatalastas ng iba't ibang produkto. Ito ay pinagkikitaan hindi lamang ng mga Advertisers at Sponsors, kundi't pati narin ng istasyong nagpapalabas ng programa at ng mga Producers ng palabas. Bawa't pagtaas ng TV ratings ay nangaghuhulugan na lalong pumapatok ang Soap sa masa, na siyang magbibigay ng dagdag na kapital sa Advertisers, Broadcasting Stations, at Producers ng naturang Soap Opera. Ang mga kompanyang gumagamit ng mga Soap upang mapatalastas ang kanilang produkto ay malimit na sila ding Producer ng naturang Soap Opera.





Ginagamit ng mga kapitalista ang iba't ibang Soap Opera para maanunsyo ang kanilang mga produkto.

Ang unang mga Soap Opera ay ginamit ng mga kompanyang gumagawa ng mga sabon at panlinis ng bahay bilang behikulo upang mabenta ang kanilang produkto, kung kaya't nabansagan ang gayong mga palabas bilang "Soap" Opera. Sa gayong dahilan kaya masasabi na ang pangunahing layunin at dahilan ng mga nagpaglaganap ng Soap Opera sa bansa ay upang makapagbenta ang mga naturang kompanya ng iba't ibang produkto sa pamamagitan ng impluwensya tulong ng mga patalastas na ipinalalabas sa gitna ng bawa't SERYE.



Ang Pagbibigay ng 'Free Gift' sa mga Letter Senders

Ang pinakaunang taktiko na ginamit ng mga Kapitalista ay ang pagbibigay ng "free gift" o regalo sa mga sumusubaybay ng soap opera, sa bawat tamang sagot sa mga tanong tungkol sa naturang serye. Sa pamamagitan ng mga sulat na ipinadadala ng mga Letter Sender kasama ang takip ng produktong ipinatatalastas sa gitna ng bawa't serye, malalaman ng istasyong nagpapalabas sa naturang Soap ang "rating", galing sa impormasyong nakatakda sa sulat- kung gaano karami ang nanonood ng naturang palabas, kung ilang taon ang manonood, at kung saang lugar, probinsya, o bahagi ng bansa nanggaling ang sumulat. Dito malalaman ng kompanyang Sponsor ng palabas kung sinu-sino ang kanilang kliyente, at kung talagang bumebenta ang kanilang produkto sa kanilang minamanmanang Target Consumers o mamimili.











SOAP OPERA BILANG SIMBOLO NG:

Kayamanan (Profit)

Kapangyarihan (Control/Power)

Pribilehiyo (Privilege)





CONFLICT THEORY

Ang Soap Opera bilang kulturang popular, sa isang Marxistang pananaw ay ginawa ng namamayaning elistista o intelektwal para sa kanilang sariling pakinabang. Ito ay ginagamit ng mga may kapangyarihan payamanin at paunlarin ang partikular na uri sa lipunan. Sa gayong dahilan masasabi na ang kultura ng Soap Opera ay isang pagdidikta ng naghaharing uri.

Sa sosyolohikal na pananaw, gamit ang Conflict Perspective, ang sistema ng lipunan ay nakikita bilang lugar ng pagtutunggali ng iba't ibang partikular na grupong nagnananais mamayani, maging panlipunan, kultural, intelektwal, o politikal.





Ayon sa Conflict Theory ng mga Sosyolohiko�.



MAY TATLONG ISYU NA NAIS IPAHAYAG NG MARXISTA

Ang Soap Opera bilang boses ng mga elitista upang makamit ang Social Hegemony

Hindi lamang ang sistemang pang-edukasyon ang pinangingibabawan ng mga elistista, kung hindi pati rin ang "mass media." Sila ang nagdidikta ng mga kinikilalang batayan sa kultural na aspekto na dapat gamitin ng nakararami upang matingnan at magamit nila ito sa kanilang buhay. Ang mga simbolo na ginagamit ng mga elitista ay siya ring napipilit na magamit ng iba sa kani-kanilang buhay. Kung ano man ang tingin nila sa mundo ay natatanggap bilang katotohanan. Ang paggawa ng Soap Opera ay ginagamit nilang instrumento upang ilabas ng elitista ang sitwasyong tinatanggap nila na dapat ding sundin ng tagapanood nito. Ang mga elemento ng Soap Opera, pati na rin ng Kulturang Popyular ay masasabing yari ng lipunan lalo na ang mga nasa itaas nito. Ang mga elitista ang siyang humuhusga at nagpapasiya kung ano ang dapat magawa, para kanino at kung ano ang nararapat na pagtingin ng manonood sa mundo mula sa kanilang mga mata. Dahil dito mahalagang malaman kung sino ba talaga ang mga gumagawa ng sining at mga tagapagbigay ng aliw. Sino ang nagbabayad sa kanila? Sino ang tumatangkilik sa mga produkto nila? At sino ba ang nakikinabang sa paggawa at pagtangkilik sa mga produktong ito?



Ang Soap Opera bilang isa pang uri ng pamamahala upang maidikta ng mga elitista ang moralidad ng masa.

Ang grupo ng mga elitista ang siya ring nagdidikta ng pamantayan ng kabutihan. Sila rin ang may kapangyarihan na magbukas at magsara ng mga pinto ng tagumpay ng isang kultura na produkto. Makikita ito sa mga ipinahihiwatig na pinagkakahalagahan o itinatanging moralidad ng mga programa sa Soap Opera na nakararating sa mga masa bilang huwaran sa lipunan na dapat nilang sundin. Dinidikta ng mga elitista ang batayan sa pagiging mabait o may mabuting kalooban, na siyang nagiging batayan ng masa sa kani-kanilang buhay. Ang gawaing ito ay lalong nabibigyang-diin ng mga manunulat at mga "gossip columnist", "movie scribes" at "press agents" na nagsasabi rin ng tama o mali base sa mga salita ng tinitingala nilang elitista. Halos hindi namamalayan ng masa na ang mga ito ay hango lamang sa opinyon ng elitista, na siyang tao lang rin naman.



Ang Soap Opera ginagamit bilang "social narcotic"

Ginagamit ng mga naghaharing uri ang Soap Opera upang gawing manhid ang mga tagapanood sa mga lumulubhang problema sa kanilang buhay. Isang paraan ng pang-aliw sa masa ang Soap Opera upang pansamantalang makalimutan ng mga ito ang kasalukuyang gumugulo sa kanilang isip. Sinasabi sa kanila na hindi na nila kinakailangan pang umasam ng mas masaganang pamumuhay, at dapat na lamang silang makontento sa simple, at minsang kapos, nilang katayuan. Ang kahirapan naman daw ay may naidudulot ding kabutihan sa tao, basta't mababawasan nila ang pagiging mainggitin sa kapawa, at maging mapagkumbaba. Dapat na lamang silang umasa at sumunod sa mga ipinag-uutos ng lipunan, lalo na ng mga elitista. Ginagawa silang bulag sa mga solusyon na maaari sana nilang magamit upang mapabuti ang kanilang kalagayan, dahil ang mga Soap Opera ay ginagamit ng mga elitista para sa kanilang pansariling pakinabang. Kinakailangan lamang bigyang pansin ang sariling pangangailangan o problema, at hindi ang kolektibong aksyon upang makaangat ang lahat ng tao na may kawangking nararanasang pagsubok.