![]() |
|
MGA SOAP OPERA NG ABS-CBN ANNALUNA Ang Annaluna ay ang unang Soap Opera na ipinalabas ng ABS-CBN, at dahil sa hindi sila siguradong papatok ang ganitong palabas sa manonood, naging maingat sila sa pagpapalabas nito. Gumamit muna sila ng mga artista na hindi kilala upang maka-ugnay ang mga tagapanood. Mababa lamang ang nakatuon na pondo para dito dahil hindi nila alam kung makabubuti ba ang pagpapalabas ng ganitong uri ng kulturang popular sa telebisyon. Kahit na ang tema at paksa ng Soap Opera ay pinagpilian nilang mabuti upang maging sang-ayon ito sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao. At nang nakita nila na ang Soap Opera ay mabenta sa mga manonood, at saka lamang sila gumamit ng mga artistang sikat at ng mga tema at paksa na komplikado. v Mga Nagsipagganap � Ricky Belmonte, Melissa Mendez, Margarita Fuentes, Michael Locsin, Monalisa v Balangkas � Ito ay tungkol sa pagkikipagsapalaran ni Annaluna at ng kanyang ina sa pangarap na sila ay magkasamang muli matapos lumubog ang barkong kanilang sinasakyan. Sa kanilang pagkakahiwalay ay kinupkop si Annaluna ng iba't ibang pamilya at nakaranas ng masasaya at malulungkot na karanasan, ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa na muli niyang makikita ang kanyang ina. v Tema � Lahat ng bagay sa buhay ay maaring mawala o mangyari sa isang kurap ng mata. Dahil sa mga hindi inaasahang pagkakataon maaari tayong mawalay sa mga mahal natin sa buhay. Ngunit sa pagiging matatag ng ating pagmamahal para sa kanila darating ang araw na makakapiling natin silang muli. � Hindi lahat ng nasa paligid ay may mabubuting intensyon para sa atin. Ngunit hindi tayo dapat mawalan ng lakas ng loob at ng pag-asa upang maabot ang ating inaasam na pangarap. � Nagtutulungan ang mga naaapi at sinusubukan nilang makamit ang inaasam sa paghimok nila sa isa't isa. v Time Slot � Nag-umpisang ipalabas ang Annaluna noong 1988 , mula Lunes hanggang Biyernes, 2:00-2:30 ng hapon. v Target Audience � Mga babae, maging bata o matanda; dahil sa mga palabas na ito, nakapagpapatalastas ang mga Multi-National Companies ng kanilang iba't-ibang produkto. Sa paraang ito, may pagkakataong makabenta sa mga potensyal na mamimili ang mga nagbebenta ng produkto. � Mga nanay at katulong sa bahay; sila ay "target audience" dahil sa sila ang karaniwang naiiwan sa bahay at may kakayahang mapanood ang mga palabas. MARA CLARA v Mga Nagsipaganap � Judy Ann Santos, Wowie de Guzman, Gladys Reyes, Christopher Roxas, Beverly Vergel, Susan Africa, Juan Rodrigo v Balangkas � Ang seryeng ito ay tungkol sa pagkakapalit ng katayuan at posisyon ng dalawang taong mula sa magkaibang mundo, si Mara at si Clara. Gawa ng kapalaran, naipanganak sila sa iisang ospital, at dahil sa pangarap niyang mapabuti ang kanyang anak, ipinagpalit ni Gary ang sanggol na si Clara sa sanggol na si Mara. Napakabalintuna ng mga pangyayari, dahil paglipas ng panahon, ang anak-mayaman na si Mara ay naipasok pa sa tahanan ng kanyang mga tunay na magulang ngunit bilang isang katulong. v Tema � Kahit paano pa natin ipagbalibaligtad ang mundo, ang masasama ay lalabas pa ring talo at ang mabubuti ay mananatiling panalo. Hindi natin kayang hawakan ang kapalaran ng ibang tao lalo na kung ang intensyon natin para sa kanila ay nakapapahamak. � Ang pagiging mapagkumbaba ay hindi dala ng posisyon natin sa buhay. Kahit sino pa man tayo, kailangan ay hindi tayo mapalalo at huwag gagamitin ang kahit anong pagkakataon o kapangyarihan upang mapasama ang iba. Ang matapobre ay hindi pinagbibiyayaan ng Maykapal. � Manatiling matatag kahit na api. � Hindi natuturuan ang puso na umiibig. Hindi nabibili ang pag-ibig na nakalaan na para sa kinapupusuan. Hindi tinitingnan ng puso ang kinatatayuan ng isang tao. v Time Slot � Napapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes. Nagsimula itong ipalabas tuwing 1:30-2:00 ng hapon, ngunit inilipat sa 6:30-7:00 ng gabi. v Target Audience � Mga babae, maging bata o matanda; dahil sa mga palabas na ito, nakapagpapatalastas ang mga Multi-National Companies ng kanilang iba't-ibang produkto. Sa paraang ito, may pagkakataong makabenta sa mga potensyal na mamimili ang mga nagbebenta ng produkto. � Mga nanay at katulong sa bahay; sila ay "target audience" dahil sa sila ang karaniwang naiiwan sa bahay at may kakayahang mapanood ang mga palabas. FAMILIA ZARAGOZA v Mga Nagsipaganap � Gloria Romero, Ricky Davao, Zsa Zsa Padilla, Gina Pareno, Jean Garcia v Balangkas � Nagsimula ang gulo nang mamatay ang mayamang tagapamuno ng hacienda ng mga Zagaroza. Sa kanyang pagkamatay ay lumabas ang itinatago niyang sikreto nung siya ay nabubuhay pa. Dahil malaki ang iniwan niyang kayamanan, nagsilabasan na ang kanyang mga nabuong pamilya bukod sa kilala ng publiko. Ang kuwento ay nakasentro sa pag-aagawan ng iba't ibang anak ni Don Zaragoza, at ang kani-kanilang mga ina, para sa mana na iniwan ng mayamang haciendero. v Tema � Karaniwang pinag-aagawan ang perang mana ng mayayaman at ito ang sumisira sa isang pamilya. � Sa ating lipunan may umiiral na hirarkiya na nakabase sa kayamanan ang angkop ng isang tao. Ang bawa't klase sa lipunan ay karaniwang hindi nagtatagpo ng landas. � Makikita sa ating lipunan na may impluensiya ng Kastila katulad ng pagkakaroon ng mga hacienda at sa loob ng mga ito ay may mga amo, haciendero at alipin. v Time Slot � Nag-umpisang ipalabas noong 1996 tuwing Linggo, 5:30-6:00 ng hapon. v Target Audience � mga babae--maging bata o matanda; dahil sa mga palabas na ito, nakapag-aanusyo ang mga iba't-ibang produkto. Sa paraang ito, may pagkakataong makabenta sa mga potensyal na mamimili ang mga nagbebenta ng produkto. � mga nanay at katulong sa bahay; sila ay "target audience" dahil sa sila ang karaniwang naiiwan sa bahay at may kakayahang mapanood ang mga palabas. � ang buong pamilya, dahil ang oras na nakatalaga para sa programa na ito ay nakatuon sa isang "prime time viewing" at dahil ito ay ipinapalabas tuwing Linggo. ESPERANZA v Mga Nagsipaganap � Judy Ann Santos, Wowie de Guzman, Angelika, Joel Torre, Rosa Rosal, Marvin Agustin v Balangkas � Ito ay kuwento ng tatlong magkakapatid na pinagbukod ng tadhana dahil naaksidente sa bus na sinasakyan. Kinupkop ang magkakapatid ng iba't ibang pamilya at dahil dito sila ay nagkahiwahiwalay. Ang daloy ng serye ay ang pakikipagtunggali ni Esperanza sa masasamang puwersang pumipigil sa kanya at sa kanyang pamilya upang makapiling ang isa't isa. v Tema � Walang pinaghihirapan na hindi makakamit. Lahat ng ating ninanais kung sinamahan ng pawis at pagmamahal ay hindi malalayong mula sa ating mga kamay ang kaligayahan. � Galit ang magnanakaw sa kapwa magnanakaw at dahil sila ay nag-aagawan sa kapangyarihan. Sa huli ang magpapabagsak sa kasamaan ay ang kanyang kapwa. � Dapat pahalagahan ang mga minamahal sa buhay lalong lalo na ang tumutulong sa buhay kaya dapat hindi natin silang iniisang tabi. � Hindi dapat pinagkakatiwalaan ang lahat ng mga inaakalang mabuti, dahil kadalasan sila pa ang makapagpapahamak sa atin. � Mahalaga ang edukasyon sa bawa't tao dahil maari itong maging kasangkapan sa pagtatagumpay. Ito ang pundasyon para sa isang magandang kinabukasan. v Time Slot � Nagsimula itong ipalabas noong 1998, at napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 7:00-7:30 ng gabi. v Target Audience � Mga babae, maging bata o matanda; dahil sa mga palabas na ito, nakapagpapatalastas ang mga Multi-National Companies ng kanilang iba't-ibang produkto. Sa paraang ito, may pagkakataong makabenta sa mga potensyal na mamimili ang mga nagbebenta ng produkto. � Mga nanay at katulong sa bahay; sila ay "target audience" dahil sa sila ang karaniwang naiiwan sa bahay at may kakayahang mapanood ang mga palabas. � dahil ito ay ipinalalabas tuwing "prime time", ang karaniwang nanonood sa programang ito ay ang kadalagahan o mga kabataan/bagong tao (adolescent na babae) MARINELLA v Mga Nagsipaganap � Camille Prats, Shaina Magdayao, Serena Dalrymple, Rio Locsin, Rica Peralejo v Balangkas � Naulila ang tatlong magkakapatid na sina Marie, Rina, at Ella dahil misteryosong nawala ang kanilang mga magulang. Sa panahong ito, nakupkop sila ng iba't ibang pamilya at naranasang mabuhay ng magkakahiwalay. Gayunpaman, hindi nawawala sa kanilang isipan ang nais na mahanap ang kanilang mga magulang, ng sa gayon ay mabuo muli ang kanilang pamilya. v Tema � Isang halimbawa ng hadlang na makikita sa lipunan ang pagkakaroon ng iba't ibang uri na namamagitan sa mga tao. Ang mga hirarkiya na ito ang nagsisilbing tagapaghiwalay sa mundo, at nagiging sagabal upang magkaroon ng magkakaisa. � Ipinapakita rito ang kahalagahan ng isang pamilya. Mahalaga na magkaroon ng pagmahalan at magandang relasyon sa isang pamilya dahil sa kabila ng lahat ng mararanasan na kahirapan sa buhay, sila ang iyong maaasahan sa manatili sa iyong tabi. � Mahalaga ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos dahil Siya ang nakatutulong upang malampasan ang mga pagsubok sa buhay. v Time Slot � Nag-umpisa ngayong taong lamang (1999) mula Lunes hanggang Biyernes, 2:00-2:30 ng hapon. v Target Audience � Mga babae, dahil sa mga palabas na ito, nakapagpapatalastas ang mga Multi-National Companies ng kanilang iba't-ibang produkto. Sa paraang ito, may pagkakataong makabenta sa mga potensyal na mamimili ang mga nagbebenta ng produkto. � Mga nanay at katulong sa bahay; sila ay "target audience" dahil sa sila ang karaniwang naiiwan sa bahay at may kakayahang mapanood ang mga palabas. MULA SA PUSO v Mga Nagsipaganap � Claudine Barreto, Rico Yan, Diether Ocampo, Princess Punzalan, Jacklyn Jose, Juan Rodrigo v Balangkas � Nagsimula ang kuwento sa mapuwersang pagkuha kay Via Perreira, ang anak ng isang mayaman na negosyante. Ang nagpasimuno nito ay walang iba kundi ang masamang si Selena na walang iba kundi ang tiyahin ni Via, na nais makamit ang kayamanan ng mga Perreira. Ang buong kuwento ay tumatakbo dahil sa masasamang balak ni Selena na makuha ang yaman sa pamamagitan ng pag-ubos sa angkan ng mga Perreira. v Tema � Kinakailangang maging maingat sa mga taong malapit sa atin, dahil maaari silang magdulot ng kapahamakan sa atin. Kahit na ang mga nasa loob ng ating pamilya ay maaaring magsilbing kapahamakan para sa atin lalong-lalo na kung pinagnanaisan ang ating mga katangian. � Masalimuot ang buhay. Hindi natin masisisigurado na walang itinitagong sekreto ang tao kahit na malapit sa ating puso. � Ang puso ay hindi napipilit na magmahal sa taong hindi gusto. Ang tunay na pag-ibig ay nanatiling wagas sa kabila ng mga pagsubok na hinihimok ang kamatayan nito. � Ang pisikal na yaman ng tao ay nauubos at sa kabila ng karaniwang paniniwala ng nakararami hindi lahat ng bagay ay kayang bilhin nito. v Time Slot � Nag-umpisa ito noong 1998 at ipinalabas mula Lunes hanggang Biyernes, 6:30-7:00 ng gabi. v Target Audience � Mga babae, maging bata o matanda; dahil sa mga palabas na ito, nakapagpapatalastas ang mga Multi-National Companies ng kanilang iba't-ibang produkto. Sa paraang ito, may pagkakataong makabenta sa mga potensyal na mamimili ang mga nagbebenta ng produkto. � Mga nanay at katulong sa bahay; sila ay "target audience" dahil sa sila ang karaniwang naiiwan sa bahay at may kakayahang mapanood ang mga palabas. � dahil ito ay ipinalalabas tuwing "prime time", ang karaniwang nanonood sa programang ito ay ang kadalagahan o mga kabataan. SAAN KA MAN NAROROON Bunga ng isang malagim na sakuna ang kanyang kalagayan at kalbaryo sa buhay. Lumaki siyang marunong sa mundo sa kabila ng pasakit at paghihirap na pasan niya. Ngunit hindi pa rin nawawala ang kanyang lakas at simbuyo at patuloy pa rin siyang lumalaban sa ano mang pagsubok na dumating sa kanya. Nananatiling palaisipan ang kanyang tunay na katauhan. Lumaking kapossa pagmamahal mula sa mga nakagisnang magulang...malayo sa kanyang kaalaman kung sino ang kanyang tunay na ama't ina at mga nalalabing ka-pamilya. Ito ang nag-uudyok sa kanya upang hanapin ang katotohanan. v Mga Nagsipaganap � Claudine Barretto, Rico Yan, Diether Ocampo, Cherry Pie Picache, Juan Rodrigo, Eric Quizon v Balangkas � Umiikot ang kuwento sa tatlong kambal na babae na pinaghiwalay ng tadhana noong sila ay maliliit pa lamang. Ang sanggol na si Rosemarie ay pinagkamalang patay noong siya ay isinilang pa lamang, at kinukop ng doktor na nagpanganak sa kanya. Si Rosario naman ay nahulog sa bangin noong siya ay bata pa lamang, at inampon naman ng mag-asawang nakahanap sa kanya noong siya ay nasa bingit ng kamatayan. Ang naiwan lamang sa kanilang mga magulang ay si Rosenda. Sa pagpapatuloy ng kuwento pinapakita ang hiwa-hiwalay na buhay ng magkakapatid at ang kanilang pagtatagpo. v Tema � Hindi lamang ikaw ang sarili ang may hawak sa buhay. Nakakaapekto ang mga ibang tao sa ating kapaligiran kahit man hindi natin gusto. � Maraming ahas sa tabi-tabi na inaakala nating kakampi. Nararapat na tayo ay mag-ingat dahil mayroon silang kapangyarihan na sirain ang ating buhay. � Mahalaga ang pamilya. Hindi tayo dapat nagkakaroon ng kompetensya sa kanila at sa halip ay ituring silang kakampi. � Ang lahat ay may itinitagong sikreto. v Time Slot � Nagsimula lamang ito ngayong taon (1999), mula Lunes hanggang Biyernes, 7:00-7:30 ng gabi. v Target Audience � Mga babae, maging bata o matanda; dahil sa mga palabas na ito, nakapagpapatalastas ang mga Multi-National Companies ng kanilang iba't-ibang produkto. Sa paraang ito, may pagkakataong makabenta sa mga potensyal na mamimili ang mga nagbebenta ng produkto. � Mga nanay at katulong sa bahay; sila ay "target audience" dahil sa sila ang karaniwang naiiwan sa bahay at may kakayahang mapanood ang mga palabas. � dahil ito ay ipinalalabas tuwing "prime time", ang karaniwang nanonood sa programang ito ay ang kadalagahan o mga kabataan |